Martes, Disyembre 20, 2016

Taglish


                           Taglish
Ang Taglish, pinagsamang salita na "Tagalog" at "English," ay ang impormal na diyalekto ng Tagalog, sa Pilipinas, na hinaluan ng katagang Ingles Amerikano. Popular ang Taglish sa Kalakhang Maynila at naging malaki ang impluwensiya sa maraming bahagi ng bansa. Ito rin ang karaniwang ginagamit sa Internet, lalo na ng bagong henerasyon. Kapareho ng Taglish ang Englog, na Ingles na hinaluan ng mga salitang Tagalog, isang sikát na uri nito ang Coño English.Ginagamit ang wikang ito sa AustraliaNew ZealandEstados UnidosIrelandGran Britanya at Canada. Ginagamit din ito sa mga text.  -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Panitikan

       
                        Panitikan
                  Sa pinakapayak na paglalarawan, ang 
panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya


Kwentong Bayan

               
       
                    Kuwentong-bayan

          
 Ang kuwentong-bayan  ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Korido

         
                             Korido


            Ang 
korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Tanaga at Haiku

Tanaga at Haiku
                 Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na pilosopiyangginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito ang haiku ng mga Hapones.Ang tanaga ay isang tulang Tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.Ang HAIKU ay isang uri ng tula na may lima - pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod. Narito ang aking mga ginawang haiku in Tagalog na ginawa na ring may tugma sa huling bahagi ng mga salita. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Wastong gamit ng pinto-pintuan


                     Wastong gamit ng pinto-pintuan
Pinto (Door) –
 ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
Halimbawa:
1. Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
2. Gawa sa narra ang kanilang pinto.
3. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
4. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
5. Huwag mong sipain ang pinto.
Pintuan (Entrance, Doorway)– ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o  ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
1. Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
2. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
3. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
4. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
5. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.
 -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya


Mga elemento ng maikling kwento

  • Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
  • Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
  • Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
  • Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
  • Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  • Kakalasan- Tulay sa wakas.
  • Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
  • Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
  • Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
  • Kaisipan- mensahe ng kuwento.
  • Banghay- pangyayari sa kuwento.
     -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya