Martes, Disyembre 20, 2016

Wika

Ano ang wika? Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Kahalagahan ng wika Mahalaga ang wika sapagkat: ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan; at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. 10 Katangian ng wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. 2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. 4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika 7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo 8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. 9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. 10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag.
 -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento