Martes, Disyembre 20, 2016

Taglish


                           Taglish
Ang Taglish, pinagsamang salita na "Tagalog" at "English," ay ang impormal na diyalekto ng Tagalog, sa Pilipinas, na hinaluan ng katagang Ingles Amerikano. Popular ang Taglish sa Kalakhang Maynila at naging malaki ang impluwensiya sa maraming bahagi ng bansa. Ito rin ang karaniwang ginagamit sa Internet, lalo na ng bagong henerasyon. Kapareho ng Taglish ang Englog, na Ingles na hinaluan ng mga salitang Tagalog, isang sikát na uri nito ang Coño English.Ginagamit ang wikang ito sa AustraliaNew ZealandEstados UnidosIrelandGran Britanya at Canada. Ginagamit din ito sa mga text.  -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Panitikan

       
                        Panitikan
                  Sa pinakapayak na paglalarawan, ang 
panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya


Kwentong Bayan

               
       
                    Kuwentong-bayan

          
 Ang kuwentong-bayan  ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Korido

         
                             Korido


            Ang 
korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Tanaga at Haiku

Tanaga at Haiku
                 Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na pilosopiyangginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito ang haiku ng mga Hapones.Ang tanaga ay isang tulang Tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.Ang HAIKU ay isang uri ng tula na may lima - pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod. Narito ang aking mga ginawang haiku in Tagalog na ginawa na ring may tugma sa huling bahagi ng mga salita. -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Wastong gamit ng pinto-pintuan


                     Wastong gamit ng pinto-pintuan
Pinto (Door) –
 ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
Halimbawa:
1. Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
2. Gawa sa narra ang kanilang pinto.
3. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
4. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
5. Huwag mong sipain ang pinto.
Pintuan (Entrance, Doorway)– ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o  ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
1. Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
2. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
3. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
4. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
5. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.
 -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya


Mga elemento ng maikling kwento

  • Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
  • Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
  • Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
  • Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
  • Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  • Kakalasan- Tulay sa wakas.
  • Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
  • Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
  • Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
  • Kaisipan- mensahe ng kuwento.
  • Banghay- pangyayari sa kuwento.
     -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Tayutay

Ano ang tayutay?
              Ang 
tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

Mga uri ng tayutay

  • Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
  • Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
  • Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
  • Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
  • Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
  • Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
     -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya

Wika

Ano ang wika? Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Kahalagahan ng wika Mahalaga ang wika sapagkat: ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan; at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. 10 Katangian ng wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. 2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. 4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika 7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo 8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. 9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. 10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag.
 -(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya


Talambuhay

                                                Munting Pangarap

Siya si Jenny Rose L. Gare ,ipinanganak siya noong Oktubre 7,2004 sa Blessed Mother isa sa mga hospital sa Maynila. Ang kanyang ina ay si Rosalina L. Gare ay ang kaniyang ama ay si Joel P. Gare mayroon siyang kapatid at siya ang panganay ang pangalan ng kanyang kapatid ay Joel l. Gare.Nagtapos siya sa F.G Calderon Elementary School at sa kasalukuyan siya ay nag-aaral sa F.G Calderon Integrated High School bilang ika-7 Baitang. Sa kanyang karanasan sa buhay ang hindi nya makakalimutan ay ang noong bata pa siya ay naging sakitin siya,minsan dinadala pa siya sa ospital.At noong bata pa siya ang libangan niya dati ay makipaglaro sa mga kaibigan niya sa labas ng kanilang bahay,minsan pa ay gingabi na siya umuwi.Ang kanyang hilig simula noong bata pa siya ay sumayaw at kumanta.Mahirap lamang ang kanilang pamumuhay,ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na susubok sa isang pamilya na dapat lamang ay magtulungan upang malampasan ang lahat ng iyon. Siya ay simple dahil pinalaki siyang ganoon ng kanyang magulang.Bilang kaibigan naman,siya ay mapagbiro at siyempre may pagpapahalaga siya sa mga kaibigan niya.Ang kanyang mithiin sa buhay ay magkapagtapos ng pag-aaral para masuklian niya ang lahat ng kahirapan ng kanyang magulang.Ngayon siya ay masaya na sa pagiging buhay high school dahil marami siyang nakilalang bagong kaibigan at guro.